DOLE repasuhin ang mahigit 42K work permit

0
dole sENATE

Hinimok ng Senado ang DOLE na muling suriin ang 42,409 AEPs na ibinigay sa mga dayuhang nagtatrabaho sa POGO companies.

Ginawa ang panawagan sa deliberasyon ng Senado sa DOLE budget matapos tanungin ni Villanueva ang legalidad ng AEPs sa POGO.

Ayon kay Legarda, 42,409 sa 60,541 AEPs ay ibinigay sa dayuhang manggagawa ng mga “legal” na POGO companies.

Hiniling ni Legarda sa DOLE na i-review ang 42K AEPs, na bawat isa na may bayad na P12,000

Ipinunto ni Zubiri na kailangang higpitan ng DOLE ang monitoring ng AEP holders, gaya ng ginagawa ng ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *