Dumadag sa ang mga manonood sa mga sinehan

0
Dumadagsa ang mga manonood

Muling bumalik ang tradisyon ng pamilyang Pilipino sa panonood ng mga pelikula sa ilalim ng Metro Manila Film Festival (MMFF) noong  araw ng Pasko.

Ala-una pa lang ay mahaba na ang mga linya at matiyagang pumila ang mga tao para bumili ng ticket at manood ng mga pelikula sa MMFF.

Pinili ng ilan sa mga manonood ang “Rewind,” “Mallari,” “Penduko,” at “Family of Two.”
Upang maiwasan ang mahabang linya, bumili ang ilan ng mga tiket para sa higit sa isang pelikula.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang career, sumabak si Piolo Pascual sa cinema tour para personal na suriin at pasalamatan ang mga nanunuod ng pelikula sa pagtangkilik sa kanyang horror movie na “Mallari.”

Nagulat ang aktor nang makitang sold out ang screening schedule nila sa isang mall sa Pasay City noong unang bahagi ng araw ng Pasko.

“Sa lahat ng mga pinuntahan naming sinehan, ang daming pila. Sabi ko, wow, buhay na buhay ang pelikulang Pilipino,” he said.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *